Nagsagawa ng mga Forex Seminar ang XM sa Penang, Melaka, Kedah

Nakapaskel Abril 5, 2019 ng 8:47 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Pebrero 23 at Marso 30, ang mga kinatawan ng XM, pati na ang propesyonal na tagapagturo ng forex na si Mohd Helmi Izani, ay pumunta sa tatlong lungsod sa Malaysia para sa serye ng mga forex seminar na libre para sa lahat ng kliyente ng XM.

Ang sikat na paksa ng seminar na pinamagatang Ang Istratehiya na Avramis Swing Trading, ay pinamunuan ni Mohd Helmi Izani sa Penang, Melaka at Kedah, kung saan lahat ng mga bisita ay nagkaroon ng oportunidad na matuto ng praktikal na detalye mula sa beteranong trader, na nakapagdagdag ng halaga sa seminar dahil sa estilo ng kanyang presentasyon at karanasan sa pag-trade.

Lahat ng mga baguhan at beteranong nag-i-invest online na pumunta sa seminar sa tatlong siyudad ay natuto ng mga tiyak na pamamaraan sa pag-trade, na magagamit kapag nag-i-invest sa forex o iba pang pinansyal na instrument. Kasabay nito, ipinakita sa kanila gamit ang mga tunay na halimbawa kung paano ito tumatakbo sa totoong buhay.

Bilang espesyal na bonus sa presentasyon, sa bawat seminar lahat ng mga dumalo ay ipinakilala sa mga automated na trading tools ng Tradepedia, gaya ng Avramis Swing Indicator at Avramis Trend Reversal Indicator. Pareho itong idinisenyo para matulungan ang mga trader na alamin ang lakas ng trend, planuhin ang kanilang pagpasok at paglabas sa market, at pababain ang risk.

Gayundin, natutuwa kaming imbitahan lahat ng hindi nakapunta sa aming mga seminar, na pumunta sa mga pang-edukasyonal na seminar ng XM na malapit nang ganapin sa Kuching at Miri. Para sa karagdagang detalye tungkol sa aming mga nalalapit na seminar at para makapag-rehistro na nang libre, mangyaring mag-click dito.