Nakumpleto ng XM ang mga Seminar nito sa Germany

Nakapaskel Disyembre 12, 2017 ng 8:36 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong December, nakumpleto ng XM ang mga serye ng forex trading seminar nito sa Germany na nagsimula noong taglagas para sa mga baguhan at batikang traders na nais magkaroon ng propesyonal na edukasyon na makakatulong palawigin ang kanilang kaalaman sa pag-trade at pabutihin ang kanilang pag-invest.

Ang dalawang huling destinasyon ng aming mga seminar ay ang Munich noong November 25, at matapos ang dalawang linggo, sa Hamburg noong December 9. Sa bawat siyudad, nagbigay ang forex instruktor na si Gil Paz ng seminar na pinamagatang Mga Gabay sa Online Forex Trading, kung saan ang syllabus ay naglaman ng mga pinaka-praktikal at magagamit na aspeto sa online investing.

Sa pamamagitan ng mga madaling intindihin na halimbawa, ipinaliwanag ni Gil Paz sa mga dumalo ang mga pangunahing pagsubok na haharapin ng mga baguhang trader sa kanilang pag-invest at binigyan din niya sila ng propesyonal na payo sa mga aspetong kailangang isaalang-alang, gaya ng makatotohanang inaasahan, tamang risk management, patuloy na pag-aaral, at pagpapaunlad sa sarili.

Ang syllabus ng seminar ay mayroong praktikal na impormasyon tungkol sa mga pangunahing aspeto ng online trading sa MT4 platform, gaya ng risk management na kailangang maging parte sa pag-trade ng bawat online investor. Kasabay nito, ang psychological na aspeto ng pag-trade ay binigyang-diin din ni Gil Paz, dahil mayroon itong malaking parte kapag nagsasagawa ng desisyon na maaaring makaapekto sa resulta ng trades.

Sa bawat siyudad, ang event ay nagtapos sa XM Lucky Draw, kung saan nag-raffle kami ng mga nanalo at binabati namin sila muli sa kanilang pagkapanalo.

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Munich

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: iPad Mini 4 17141430
Premyo 2: iPad Mini 4 17072405

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Hamburg

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: iPad Mini 4 4114455
Premyo 2: iPad Mini 4 19058429

Sa ibaba makikita ang mga litrato sa mga seminar na isinagawa sa Munich and Hamburg.