Nakarating ang mga Forex Seminar ng XM sa Bangkok at Korat

Nakapaskel Pebrero 18, 2020 ng 10:42 am GMT. Magbasa Pa Balita

Hindi maikakaila na edukasyon ang pinakamagandang puhunan ng sinumang mag-i-invest online bago sila sumabak sa pagti-trade. Kaya naman ito ang nangyari para sa lahat ng mga pumunta sa pinakabagong mga seminar ng XM.

Habang pinagpapatuloy ang libreng pagtuturo ng forex saanmang panig ng mundo, at pinapalapit pa ang dumadaming nagti-trade ng forex sa mundo ng pananalapi at mga pamamaraan na kailangan para maging mahusay sa mga kasanayan sa pag-i-invest online, binisita namin ang Bangkok noong Pebrero 1 at Korat noong Pebrero 15 para sa isa na namang forex seminar.

Ang edukasyonal na seminar ay lubhang tinangkilik ng mga pumunta sa bawat lungsod, dahil ang mga detalyeng ipinresenta ni Sompop Jittrakul tungkol sa Paggamit ng Technical Indicators para Matukoy ang mga Oportunidad sa Pag-trade ay tumuon sa mga praktikal na aspeto ng pag-i-invest.

Maliban sa paggamit ng forex technical indicators, ang mga bisita ay nagkaroon din ng oportunidad na maging pamilyar sa Avramis Analyzer Indicator, ang technical analysis tool ng Tradepedia na nagbibigay sa mga nagti-trade ng awtomatikong pagsusuri ng magkakaibang indicators sa loob lang ng ilang segundo.

Ang aming mga seminar sa buong Thailand ay nakatakdang makarating sa iba pang mga lokasyon sa mga sumunod na buwan. Para magbasa pa ng karagdagang detalye at magreserba na agad ng libreng puwesto, mangyaring mag-click dito.