Mga Forex Seminar ng XM sa Mexico – Isang Malaking Tagumpay

Nakapaskel Pebrero 27, 2019 ng 11:36 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Enero 26 at Pebrero 9, ang serye ng mga forex seminar na inilunsad ng XM sa Latin America na pinamagatang Paano Mag-trade gamit ang Avramis Swing Indicator, ay nakarating na sa unang mga destinasyon nito sa Mexico – sa León, Puebla at Querétaro – kung saan pumunta ang napakaraming mga bisita. Isa na namang malaking tagumpay ang propesyonal na edukasyon na ipinamahagi ng XM.

Sa mga pumunta sa seminar sa bawat siyudad, ang presentasyon ni Karl Praz, na Punong Tagapagturo ng Tradepedia sa Mexico, ay nakapagbigay ng mahalagang impormasyon sa mga trader upang makapag-invest online nang may mas malawak na kaalaman at pinahusay na pagkakaintindi.

Ang paksa ng seminar ay tumuon sa paggamit ng technical analysis, kabilang na ang Avramis Swing Indicator at ang Avramis Trend Reversal Indicator, kasabay ng iba pang mga kagamitan sa pag-trade at mga pamamaraan na makakatulong para makapagsagawa ng mas magaling na desisyon sa pag-invest kapag nagti-trade sa forex at iba pang pinansyal na instrument.

Dahil prayoridad ng mga swing trader na matukoy ang panandaliang price action, napakahalaga ng technical analysis. Para maipaliwanag kung paano ito tumatakbo sa tunay na buhay, ipinakita ni Karl Praz ang mga pamamaraan na madaling magamit kasabay ng indibidwal na istratehiya sa pangmatagalang pag-trade.

Pagkatapos ng bawat seminar, nagsagawa ng XM Lucky Draw, kung saan binabati naming muli ang mga nanalo. Makikita sa ibaba ang kanilang mga napanalunan.

Mga Nanalo sa Lucky Draw – León

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: HP laptop 38161531
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 42067481
Premyo 3: 600 XMP (XM Points) 4307706
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 42124163

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Puebla

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: HP laptop 43040883
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 42079365
Premyo 3: 600 XMP (XM Points) 14052507
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 42070899

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Querétaro

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: HP laptop 12163219
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 12145315
Premyo 3: 600 XMP (XM Points) 2714152
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 33181555

Lubos naming pinasasalamatan ang bawat isa sa aming mga kasalukuyan at bagong kliyente dahil sa pagpunta nila sa seminar. Gayundin, gusto naming imbitahan ang mga nag-i-invest online sa aming nalalapit na pang-edukasyonal na seminar sa Mexico.

Mag-click dito para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa aming nalalapit na mga seminar sa Latin America.