Mga Forex Seminar ng XM Nakarating sa Bogotá at Santiago de Chile

Nakapaskel Oktubre 10, 2019 ng 8:11 am GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang mahigit sa labinlimang forex seminar na isinagawa sa Latin America simula ngayong Enero, ipinagpapatuloy pa ng XM ang mga seminar nito sa magkakaibang bansa sa Kanlurang bahagi ng mundo, para makapagbigay ng propesyonal na edukasyon sa dumadaming bilang ng mga nagti-trade ng forex.

Ang dalawang bagong lokasyon ng libreng seminar sa Latin America para sa mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM ay ang Bogotá noong Setyembre 14 at Santiago de Chile noong Setyember 28. Natutuwa kaming makilala sa personal ang mga bisita na nagkaroon ng oportunidad na matuto ng mahahalagang detalye tungkol sa magkakaibang aspeto ng pag-trade sa forex at iba pang mga instrument.

Pinamunuan ng mga propesyonal na tagapagturo na sina Jarek Duque sa Bogotá at Felipe Erazo sa Santiago de Chile, ang parehong seminar ay tumalakay sa bentahe ng technical analysis kapag nag-i-invest online, kabilang na ang mahahalagang indicators gaya ng Average Directional Index (ADX), Parabolic SAR (Stop and Reverse) indicator, at higit sa lahat ang sariling technical indicator ng Tradepedia, ang Avramis River.

Para mapakinabangan nang husto ang mga tinuro, ipinakita din sa bawat seminar ang mga tunay na halimbawa sa kung paano tukuyin ang mga trend sa market, paano pagsamahin ang mga signal para matukoy ang mga turning point sa market, at paano makita ang mga market na malakas mag-trend sa iba’t-ibang time frame.

Sa kabila ng XM, gusto naming pasalamatan ang bawat isa sa mga bisita na pumunta sa aming seminar sa Bogotá at Santiago de Chile. Dahil magkakaroon pa kami ng mga forex seminar sa Latin America, iniimbitahan namin ang mga kliyente sa mga nalalapit na edukasyonal na seminar sa Panama at Peru ngayong Oktubre.

Para sa karagdagang impormasyon at para makapag-reserba na kaagad ng puwesto, mag-click dito.