Mga XM Forex Seminar Nakarating sa iba pang mga Destinasyon sa Mexico

Nakapaskel Disyembre 9, 2019 ng 9:36 am GMT. Magbasa Pa Balita

Dalawa pang edukasyonal na seminar ang matagumpay na idinaos sa Latin America, kung saan sinalubong ng mga dedikadong kinatawan ng XM ang mga bisita sa libreng forex seminar sa Querétaro noong Oktubre 19, na sinundan sa Mexico City noong Nobyembre 30.

Napakahalaga para sa mga nag-i-invest online ang abilidad na gamitin nang tama ang technical analysis tools pagdating sa pagsusuri ng galaw ng market, lakas ng trend at price action. Kaya naman, nagsagawa ng libreng seminar ang XM sa parehong lungsod para matuto ang mga nagti-trade ng mapapakinabangang kaalaman tungkol sa mga pamamaraan at istratehiya sa forex.

Sa Querétaro, nagbigay ng detalyadong presentasyon ang kilalang tagapagturo ng forex na si Jarek Duque tungkol sa pag-trade gamit ang Moving Average Ribbon indicator, habang sa Mexico City naman nakuha niya ang atensyon ng mga bisita dahil sa pagbabahagi ng praktikal na impormasyon tungkol sa Bollinger Bands.

Sa parehong seminar, binigyang-tuon ang iba’t-ibang pamamaraan sa pagsunod sa trend at kahalagahan ng paggamit ng mga istratehiya sa pagpapababa ng risk para sa indibidwal na kasanayan sa pag-i-invest. Sa bawat lokasyon, ang mga tunay na halimbawa na ipinakita ni Jarek Duque sa mga bisita ang bumuo sa malaking bahagi ng kanyang presentasyon, kaya nakatulong ito sa mga pumunta para magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa technical analysis tools.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kliyenteng pumunta sa aming seminar sa Querétaro at Mexico City.