Mga Forex Seminar ng XM Nakarating sa Apat pang Bansa sa Latin America

Nakapaskel Abril 4, 2019 ng 9:41 am GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malaking karangalan na ibalita sa inyo ang pagpunta ng XM sa magkakaibang destinasyon sa Latin America ngayong Marso para sa mga forex trading seminar na may layuning makapagbigay ng mapapakinabangang kaalaman sa mga lokal na nag-i-invest online.

Sa loob lamang ng labing apat na araw, sa pagitan ng Marso 16 at Marso 30, ang mga seminar namin ay nakarating sa apat na lungsod (Medellín, Quito, Panama City, San José) sa apat na magkakaibang bansa sa Latin America (Colombia, Ecuador, Panama, Costa Rica). Sinalubong kami ng napakaraming mga trader na sabik matuto ng mahalagang kaalaman mula sa mga propesyonal na tagapagturo ng forex na sina Felipe Erazo at Jarek Duque.

Ang paksa ng seminar na tinalakay sa bawat siyudad (na pinamagatang Paano mag-trade gamit ang Avramis River Indicator sa Medellín, Ang Avramis Swing at Trend Reversal Indicators sa Quito at Panama City, at Pag-trade gamit ang Moving Average Ribbon sa San José) ay tinangkilik ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta dito.

Marami ang pumunta sa bawat seminar dahil sa praktikal na estilo ng kilalang propesyonal na tagapagturo na sina Felipe Erazo at Jarek Duque, sa pagbabahagi ng magagamit na kaalaman tungkol sa technical indicators. Ang mga bisita ay nagkaroon din ng oportunidad na makita kung paano tumatakbo ang mga mahahalagang tools sa technical analysis.

Pagkatapos ng bawat seminar, nagsagawa ng XM Lucky Draw, kung saan binabati naming muli ang mga nanalo dito.

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Medellín

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Lenovo laptop 43062067
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 2300262
Premyo 3: 600 XMP (XM Points 42118485
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 12103531

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Quito

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Lenovo laptop 4675063
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 12134969
Premyo 3: 600 XMP (XM Points 38195177
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 4664140

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Panama City

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Lenovo laptop 38120200
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 18144118

Mga Nanalo sa Lucky Draw – San José

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: Lenovo laptop 42147045
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 4401541
Premyo 3: 600 XMP (XM Points 11293805
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 42003627

Sa kabila ng XM, lubos naming pinasasalamatan lahat ng mga pumunta sa aming mga seminar. Gayundin, gusto naming imbitahan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na hindi nagkaroon ng pagkakataong makapunta, na kilalanin kami sa mga pang-edukasyonal na seminar na gaganapin sa Mexico.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa aming mga nalalapit na seminar sa Hermosillo, Oaxaca at Mexico City, at para makapag-rehistro nang libre, mangyaring mag-click dito.