Mga Forex Seminar ng XM Nagpahanga sa mga Bisita sa Apat na Lungsod sa Malaysia

Nakapaskel Agosto 26, 2019 ng 8:07 am GMT. Magbasa Pa Balita

Apat na seminar ng XM ang matagumpay na idinaos sa Malaysia sa pagitan ng Agosto 3 at 17, bilang pagpapatuloy sa malawak na programang edukasyonal na sinimulan nitong mga nakaraang buwan sa Timog-Silangang Asya.

Sa pagsisikap na matugunan ang lumalaking interes ng mga nag-i-invest sa forex na makapunta sa libreng edukasyon ng XM sa magkakaibang parte ng Malaysia, ipinagpatuloy namin ngayong Agosto ang mga seminar na idinaos nang sabay-sabay sa dalawang siyudad. Kaya naman natutuwa kaming makilala ang mga kliyente sa propesyonal na edukasyon na inalok namin sa Johor Bahru at Kedah noong Agosto 3, na sinundan ng mga seminar sa lungsod ng Kuantan at Kuching noong Agosto 17.

Sa bawat lokasyon ng seminar, natutuwa ang mga kinatawan ng aming kumpanya na sulubungin sa personal ang mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM at masaksihan ang buong atensyon na ibinigay nila sa bawat presentasyon. Ang paksa ng seminar na tinalakay ng kilalang tagapagturo ng forex na si Mohd Helmi Izani sa Johor Bahru at Kuantan ay binuo ng mapapakinabangang detalye na may kinalaman sa Avramis Swing indicator, habang sa Kedah at Kuching naman ibinahagi ng kilalang eksperto at instruktor sa forex na si Zulle Razak ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga paraan upang pagsamahin ang iba’t-ibang pamamaraan sa pag-trade sa iisang matagumpay na istratehiya na maaring magamit sa pangmatagalan.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kliyente dahil sa pagpunta nila sa mga seminar ng XM. Gayundin, gusto naming imbitahan lahat ng mga hindi nakapunta na gustong masubukan ang pagtuturo XM, na mag-rehistro nang libre para sa mga nalalapit na forex seminar sa Malaysia.

Para sa karagdagang detalye at para makapag-reserba ng libreng puwesto sa mga nalalapit na seminar, mangyaring mag-click dito.