Susunod na Destinasyon ng XM Forex Technical Analysis Seminar: Tunisia

Nakapaskel Setyembre 17, 2019 ng 8:18 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Oktubre, palalawakin pa ng XM ang mga forex seminar na ginagawa sa Hilagang Africa, sa pamamagitan ng pagpunta sa panibagong destinasyon: ang Tunisia.

Natutuwa kaming ibalita na ang seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Reversal Patterns at ng Avramis River ay gaganapin sa pinakamalaking pinansyal na distrito sa bansa, sa Tunis, ngayong Oktubre 26. Magbibigay ito ng oportunidad sa mga nagti-trade para mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagti-trade online.

Nakatakdang isagawa sa Golden Tulip El Mechtel Hotel, ang seminar ay pamumunuan ni Nizar Chaibi, ang Tagapagturo ng Technical Analysis ng Tradepedia LLC, na may layuning ibahagi sa mga bisita ang mga mahahalagang detalye tungkol sa ilang technical analysis tools.

Tutuon ang seminar sa praktikal na paggamit ng indicators at chart patterns, na siyang nagbibigay ng magandang indikasyon tungkol sa galaw ng market at mga signal sa nagbabagong trend. Dahil ang reversal chart patterns ay naghuhudyat sa pataas o pababang market reversals, mahalaga para sa mga nag-i-invest na maunawaan ito, lalo na kung hinahanap nila ang pinakamahusay na entry at exit point. Para mapakita kung paano ito tumatakbo, ipapaliwanag ni Nizar Chaibi ang iba’t-ibang eksena sa pag-trade na makakatulong upang makagawa ng mas mahusay na desisyon sa pag-i-invest, sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan sa pagpapababa ng risk.

Maliban sa paggamit ng reversal patterns, matututunan din ng mga bisita kung bakit ang sariling indicator ng Tradepedia, ang Avramis River, ay isang makapangyarihang technical analysis tool pagdating sa pagtukoy ng ranging markets at pagtiyak ng mga signal sa trend na may mataas na kalidad.

Nasasabik na kaming salubungin ang mga kasalukuyan at bagong kliyente na interesadong matuto ng mahahalagang impormasyon sa aming seminar sa Tunis, para mabigyan sila ng propesyonal na gabay sa pagpapahusay ng kanilang kaalaman sa pag-i-invest. Para sa karagdagang detalye tungkol sa seminar at upang makapag-rehistro na kaagad, mangyaring mag-click dito.