Forex Trading Seminar Isinagawa sa Barcelona

Nakapaskel Oktubre 30, 2017 ng 8:24 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-21 ng October, ang serye ng libreng forex trading seminar na ini-host ng XM at ipinresenta ng Academia de Mercados ay nakarating sa susunod nitong destinasyon, sa siyudad ng Barcelona, kung saan sumali ang napakaraming traders sa event para matuto tungkol sa paggamit ng technical analysis sa forex trading.

Ang seminar na pinamagatang Technical Analysis sa Online Forex Trading ay isinagawa sa Ayre Hotel Gran Vía, Barcelona, kung saan sinalubong ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga trader na nais pang matuto tungkol sa mga bagay na makakapagpabuti sa kanilang pag-trade sa pangmatagalan.

Ang pangkat ng mga instruktor ng Academia de Mercados ay nagbigay ng ilang-oras na presentasyon tungkol sa teorya at praktikal na paggamit ng technical analysis tools, partikular na ang papel ng technical indicators sa online investing, gaya ng Trend Strength Indicator (ADX), Average True Range Indicator (ATR), o ng Moving Average Convergence Divergence Indicator (MACD), na makakatulong sa mga traders na tukuyin ang tamang entry at exit points. Maliban sa pagpapakita ng paggamit ng mga trading tools na ito gamit ang mga tunay na halimbawa, ipinakita din ng Academia de Mercados ang iba’t-ibang istratehiya sa pag-trade na nagtatagumpay kapag ginagamit nang tama at tuluy-tuloy.

Ang seminar ay nagtapos sa XM Lucky Draw, kung saan ini-raffle ang dalawang maswerteng nanalo sa mismong event. Nais namin sila muling batiin sa kanilang pagkakapanalo.

Mga Nanalo sa XM Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: VIP football ticket para sa 1 match ng Liga Santander 21034891
Premyo 2: VIP football ticket para sa 1 match ng Liga Santander 24025915

Ang susunod na destinasyon ng aming mga seminar sa Spain ay ang Madrid sa ika-15 ng November, kung saan nais naming makilala lahat ng mga handa nang samahan kami para sa event na dedikado sa pagbibigay ng malalim na paggabay sa forex trading.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at mag-rehistro na sa aming seminar.