Mga Seminar ng XM Tungkol sa Technical Analysis Idinaos sa Korat at Khon Kaen

Nakapaskel Agosto 22, 2019 ng 8:47 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Agosto, tulad ng magkakaibang forex trading seminar na idinaos sa iba’t-ibang bansa, nagsagawa ang XM ng dalawa pang seminar sa Thailand, na parehong libre para sa mga nag-i-invest online na naghahanap sa maaasahang mapagkukunan ng edukasyon at propesyonal na gabay tungkol sa forex.

Ang pinakabago naming seminar noong Agosto 10 at 17 ay isinagawa sa dalawang pangunahing lungsod sa pinakamalaking rehiyon sa Thailand, ang Isan: sa Korat at Khon Kaen. Sa bawat lokasyon, napakaraming bisita ang nagkaroon ng pagkakataong makapunta sa seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at Avramis River at matuto mula sa presentasyon ng eksperto na si Sompop Jittrakul.

Maliban sa pagiging pamilyar sa paggamit ng Ichimoku Kinko Kyo indicator sa pag-trade online, nalaman ng mga bisita namin sa parehong Korat at Khon Kaen ang bentahe ng ilan sa awtomatikong trading tools ng Tradepedia, na idinisenyo para matulungan ang mga nagti-trade na subaybayan ang Ichimoku signals sa magkakaibang oras. Tulad ng dati, lahat ng ipinaliwanag na teorya ay ipinakita din gamit ang mga tunay na halimbawa, para matulungan ang mga bisitang magkaroon ng praktikal na karanasan sa kung paano tumatakbo ang technical analysis at awtomatikong pag-trade.

Nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makipag-ugnayan sa napakaraming kliyente ng XM na nagpasyang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral ng forex kasama namin, at pinasasalamatan namin silang muli dahil sa kanilang pagpunta.

Dahil magpapatuloy pa sa mga susunod na linggo at buwan ang mga forex seminar ng XM sa Thailand, nais naming imbitahan lahat ng mga gustong pumunta na mag-rehistro nang libre sa mga susunod naming seminar.