Mga Forex Seminar ng XM Matagumpay na Idinaos sa Kota Bharu at Miri

Nakapaskel Setyembre 30, 2019 ng 12:56 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Dahil naniniwala kami na ang edukasyon ang susi sa pagtatagumpay sa forex, nagsagawa ng dalawa pang seminar ang XM sa Malaysia sa siyudad ng Kota Bharu noong Setyembre 21 at Miri noong Setyembre 22, para mabigyan ng pagkakataon ang mga nag-i-invest online na matuto ng mahahalagang detalye tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade ng forex.

Nagkaroon kami ng dalawang magkaibang paksa para sa mga bisita sa aming mga seminar: Ang Istratehiya na Avramis Swing Trading sa Kota Bharu na pinamunuan ni Mohd Helmi Izani, at ang Confluence Techniques sa Pag-trade ng Forex sa Miri, kung saan si Zulle Razak ang naging tagapagsalita.

Dahil napakahalaga sa bawat nagti-trade ang pag-unawa sa mga pangunahing aspeto, tinalakay sa bawat seminar ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pag-i-invest online, dahil kung wala ito ang mga istratehiya ay hindi tatakbo sa pangmatagalan.

Sa bawat lokasyon ng seminar, ang mga propesyonal na tagapagturo ng forex ay nagbigay sa mga bisita ng gabay kung paano mag-trade ng iba’t-ibang pinansyal na instrument sa MT4 at MT5 platforms ng XM, kabilang ang mga pamamaraan sa technical analysis at pagpapababa ng risk na madaling magagamit kapag nagti-trade.

Gusto naming pasalamatan ang mga kliyente sa pagpunta sa aming dalawang bagong seminar, at gayundin gusto naming imbitahan lahat ng mga gustong makapunta sa libreng pagtuturo ng forex ng XM na mag-rehistro sa aming seminar na gaganapin sa Kuala Lumpur sa Oktubre 12.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro ng libreng puwesto sa seminar sa Kuala Lumpur, mangyaring mag-click dito.