Matagumpay na mga Forex Seminar ng XM sa Korat at Hat Yai

Nakapaskel Marso 20, 2019 ng 2:18 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Ang mga forex trading seminar na sinimulan namin noong unang bahagi ng taon sa buong Thailand ay nakarating sa dalawa pang lokasyon ngayong Marso, sa Korat at Hat Yai, kung saan natutuwa kaming makilala ang napakaraming kliyente ng XM na pumunta sa mga naturang pang-edukasyonal na seminar.

Sa bawat siyudad, ang kilalang tagapagturo ng forex na si Sompop Jittrakul ang tumalakay sa paksang pinamagatang Ang Avramis Trend Reversal at mga Istratehiya sa Breakout, na siyang nagpaliwanag sa serye ng mga praktikal na gabay tungkol sa paggamit ng mga pamamaraan sa technical analysis na importante sa mga nagti-trade, para kumita kapag nag-i-invest online.

Sa kanyang presentasyon sa Korat noong Marso 2 at sa Hat Yai noong Marso 16, idiniin ni Sompop Jittrakul ang kahalagahan ng paggamit ng mga technical indicator para matukoy ang lakas ng trend, malaman ang mga trend breakout at reversal, pati makapagsagawa ng mga signal sa pagpasok at paglabas sa market. Higit pa, nagkaroon din ang mga bisita ng pagkakatong maging pamilyar sa isa sa sariling trading tool ng Tradepedia, ang Avramis Swing indicator, na siyang idinisenyo para matulungan ang mga nag-i-invest na makapag-trade ng maaasahang reversal sa presyo sa magkakaibang time frame.

Gusto naming ipabatid ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kliyenteng pumunta sa aming mga seminar sa Korat at Hat Yai. Gayundin, natutuwa kaming imbitahan lahat ng mga hindi nakapunta para sa mga nalalapit na seminar na gaganapin sa magkakaiba pang lungsod sa buong Thailand.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa aming mga nalalapit na seminar at para makapag-rehistro na sa petsa at siyudad na iyong napili, mangyaring mag-click dito.