Nakarating sa Cebu, Baguio at Davao ang Libreng Pagtuturo ng XM sa Forex

Nakapaskel Mayo 6, 2019 ng 9:14 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang serye ng mga 2019 seminar ng XM na inilunsad ngayong Pebrero ay nakarating na sa limang lungsod sa Pilipinas, kung saan ang mga pinakabago dito ay idinaos sa Cebu, Baguio at Davao.

Dahil nananatili kaming tapat sa paniniwala na napakahalaga ng mahusay at tuloy-tuloy na edukasyon sa matagumpay na pagti-trade, pinalapit pa namin ang mga libreng forex seminar sa mga Pilipinong nag-i-invest na gustong matuto ng mga pamamaraan sa pag-trade na maaring makatulong sa kanilang layunin sa pag-i-invest.

Sa pagitan ng Marso 30 at Abril 27, bumisita sa lungsod ng Cebu, Baguio at Davao ang mga kinatawan ng aming kumpanya kasabay ng Punong Tagapagturo ng XM sa Pilipinas na si Jonathan Lou Reyes. Natutuwa kaming makilala ang napakaraming bisita sa mga seminar na pinamagatang Mga Pamamaraan sa Avramis Forex Swing Trading.

Sa bawat lokasyon ng seminar, tinalakay ni Jonathan Lou Reyes ang iba’t-ibang praktikal na pamamaraan para mapadali ang proseso ng pagdedesisyon, kabilang ang paggamit ng technical indicators, Fibonacci retracements, pati na ng ilan sa automated na trading tools ng Tradepedia gaya ng Avramis Swing Indicator at ang Avramis Trend Reversal Indicator. Tulad ng dati, ang mga ipinaliwanag na konsepto ay ipinakita din gamit ang mga tunay na halimbawa, para makapagbigay ng mas malalim na pag-unawa kung paano madaling matukoy ang pagpasok o paglabas sa market, at kung paano mapababa ang risk sa pangmatagalan.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta sa aming mga seminar. Gayundin, iniimbitahan namin sa mga paparating na seminar sa Pilipinas ang lahat ng mga gustong makadalo sa libreng edukasyon ng XM sa forex.

Mag-click dito para malaman ang iskedyul at makapag-rehistro na sa mga nalalapit na seminar.