Mga Forex Trading Seminar ng XM Nakarating sa Tatlong Bansa sa Africa

Nakapaskel Oktubre 16, 2019 ng 9:33 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Setyembre 21 hanggang Oktubre 12, nagkaroon ng pagkakataon ang XM na makilala ang mga kliyente sa mga forex trading seminar na idinaos sa tatlong magkakaibang bansa sa Timog-Silangan at Gitnang-Silangang Africa: sa Mozambique, Uganda at Kenya.

Ang mga lokasyong pinili para sa mga seminar na pinamagatang Technical Indicators, Oscillators at Japanese Candlesticks ay walang iba kundi ang Maputo, Kampala at Nairobi. Sa bawat isa sa mga ito, layunin ng Tagapagtatag at CEO ng Tradepedia LLC na si Avramis Despotis na ipalapit sa mga bisita ang mga mahuhusay na pamamaraan sa technical analysis.

Baguhan man sila sa pag-trade ng currency o batikan na sa larangang ito, ang aming mga edukasyonal na seminar ay dedikado sa pagbibigay ng kumpletong gabay sa mga nag-i-invest tungkol sa paggamit ng mga technical analysis tools nang may mas mahusay na resulta.

Pagdating sa pagsusuri sa lakas ng trend sa market at kalidad ng trend o pagpili kung kailan o saang pinansyal na instrument magandang mag-invest, pati na sa pagdedesisyon kung kailan papasok o lalabas sa mga market nang may mababang risk, napakahalaga ng technical analysis. Kaya naman, sa kanyang presentasyon, tumuon si Avramis Despotis sa pagpapaliwanag kung alin sa mga indicator ang mahusay na magagamit, at kung paano pagsasamahin ang iba’t-ibang indicator para mapag-aralan ang tatlo sa pinakamahalagang aspeto ng mga pinansyal na instrument: ang mga bullish at bearish na trend, price action, at lebel ng support-resistance.

Isang malaking karangalan ang makilala sa personal ang mga kliyente sa bawat isa sa tatlong lokasyon ng seminar, at gusto naming pasalamatan ang mga bisita sa kanilang pagpunta.

Dahil magpapatuloy pa ang mga forex seminar ng XM sa kontinente ng Africa, natutuwa kaming imbitahan ang aming mga kliyente para kilalanin kami sa Dar es Salaam, Accra at Abidjan. Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar at para makapag-reserba na ng libreng puwesto, mangyaring mag-click dito.