Magsisimula sa Latin America: Mga Forex Trading Seminar ng XM

Nakapaskel Enero 15, 2020 ng 10:08 am GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang tugon sa mataas na pangangailangan ng mga nag-i-invest online para makaranas ng propesyonal na edukasyon sa forex, ilulunsad ng XM ngayong 2020 ang malawak na serye ng mga forex seminar nito sa Latin America.

Kahit na hindi ito ang unang pagkakataon, natutuwa kaming makabalik sa mga bansa sa Latin America kung saan nakapagdaos na kami ng iba’t-ibang seminar nitong mga nakaraang taong. Sa pagitan ng Pebrero 22 at Abril 18, ang mga forex seminar namin ay makakarating sa magkakaibang lokasyon sa Colombia at Mexico, na susundan ng madami pang iba sa taong ito.

Ang unang anim na pagdadausan ng aming seminar ay walang iba kundi ang lungsod ng Bogota, Medellin, Queretaro, Cali, Mexico City at Guadalajara. Sa tulong ng mga kilalang eksperto sa market at beteranong instruktor sa forex na may layuning makapagturo ng praktikal na paggamit ng mga pamamaraan sa pag-i-invest online, ang bawat seminar ay magtatampok ng mapapakinabangang mga paksa.

Ang bawat syllabus ng seminar ay binubuo ng pinakamahahalagang technical analysis tools, kaya naman aalalayan nito ang mga bisita mula sa pinakasimple hanggang sa mga kumplikadong pamamaraan kapag nagti-trade. Higit pa dito, dahil sa mga praktikal at madaling maintindihang halimbawa, ang mga pupunta sa seminar ay magkakaroon ng oportunidad na mas maintindihan kung paano mapapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-trade sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa isang napakahalagang pamantayan: ang pagpapababa ng risk.

Para sa karagdagang detalye at upang makapag-reserba na ng libreng puwesto sa seminar na pinakamalapit sa’yo, mangyaring mag-click dito.