Pinondohan ng XM ang mga bagong silid-aralan sa Uganda

Nakapaskel Enero 20, 2022 ng 1:17 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Pinondohan kamakailan ng XM ang pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan sa Wakiso, Uganda. Ito ang pinakabago naming kontribusyon sa distrito magmula noong 2017.

Ang kahirapan ay isang hadlang na pumipigil sa maraming kabataan na makatanggap ng edukasyon, na makatutulong dapat upang makawala sa malupit na kapalaran na idinudulot nito. Ang pagkakaroon ng magandang kapaligiran kung saan pwedeng mag-aral ay may pangmatagalang epekto sa buhay ng mga kabataan, dahil makabubuti ito sa kanilang seguridad at potensyal na kabuhayan.

Naniniwala kami na karapatan ng lahat ang magkaroon ng mahusay na edukasyon. Kaya naman nakipagsanib-puwersa kami sa isang lokal na pari na si Fr. Antonios Mutyaba, at ang organisasyon na Loving Hands, para makapagdulot ng positibong pagbabago sa lugar. Isang pagbabago na makapagbibigay sa bagong henerasyon ng pagkakataong makapunta sa paaralan.

Isa lamang ito sa maraming proyektong isinagawa namin dahil nagsisikap kaming mapabuti ang kondisyon ng mga kapus-palad at bigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng mas magandang hinaharap.

Kung gusto mong magbasa pa tungkol sa ginawa namin sa Wakiso at sa aming pakikipagtulungan sa Loving Hands, i-click ang link na ito.