XM Global Forex Awards 2020

Nakapaskel Disyembre 4, 2020 ng 9:00 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ipinagmamalaki naming ianunsyo na ginawaran kami ng Global Forex Awards 2020 ng mga sumusunod na parangal:

  • Pandaigdigang Forex Broker ng Taon
  • Pinakamahusay na Forex Affiliate Broker Programme sa Europa
  • Ang mga parangal na ito ay iginawad bilang pagkilala sa XM dahil isa ito sa pinakamahuhusay na forex broker sa mundo at iba’t-ibang rehiyon, na nagseserbisyo sa mahigit 3.5 milyong kliyente sa 196 na bansa. Mayroon itong pinakamagandang klase ng teknolohiya sa pag-trade, napakababang singil at nakapag-execute na ng 2.4 na bilyong trades nang walang requote o rejection; kumpletong hanay ng mga advanced at propesyonal na market research tools; epektibo, nauunawaan at napapakinabangang edukasyonal na programa tulad ng mga live na sesyon, webinar at eksklusibong webinar; at dedikadong 24/5 na direkta at lokal na customer support sa mahigit 30 wika.

    Ayon sa kanilang website, nagkomento ang Director ng Holiston Media na si Michael Boydell, “Ang mga parangal na ito ay kumikilala sa pinakamagagaling sa retail forex market sa buong mundo. Dahil sa napakataas na bilang ng boto na naitala mula sa mga nagti-trade ng forex sa iba’t-ibang panig ng mundo, naigawad namin ang pinakamatagumpay na mga parangal ngayong taon. Layunin ng Global Forex Awards na bigyang-pansin ang pinakamahuhusay na pandaigdigan at rehiyonal na negosyo sa forex, kaya naman binabati namin lahat ng mga nanalo ng parangal ngayong 2020. Tunay na maipagmamalaki ang kanilang tagumpay.”

    Sa kabila ng lahat sa XM, gusto naming pasalamatan ang Global Forex Awards 2020 dahil sa ibinigay nilang pagpupugay at mga parangal.