Tumulong ang XM sa paglinis sa lungsod ng Nicosia sa Cyprus para sa World Cleanup Day 2021!

Nakapaskel Nobyembre 5, 2021 ng 9:54 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa XM pinapahalagahan namin ang ating planeta, kaya naman masaya kaming tumulong sa Let’s Do It! Nicosia, ang unang bicommunal na paglilinis sa loob ng napapaderang lumang siyudad ng Nicosia, Cyprus. Sa araw na iyon, kasama ng XM ang mga organisasyong kumakatawan sa komunidad ng mga Greek Cypriot at Turkish Cypriot sa Nicosia: ang Home for Cooperation, CyprusInno, Unite Cyprus at ang NGO na Together Cyprus. Marami sa mga grupong ito ang kilala sa kanilang pagtulong sa mga proyektong nakakapagdulot ng mas malawak na pakikipagtulungan sa Nicosia, ang huling nahahating kapital sa Europa.

Pinaliligiran ng mga Venetian na pader na mula pa noong 1567, ang lumang siyudad ng Nicosia ay mailalarawan sa mga makikitid nitong kalye at napakagandang arkitektura. Nilinis ng mga boluntaryo ang lugar, matapos sundin ang ruta na sumakop sa mahigit-kumulang 4 na balwarte sa bawat gilid, na nagtapos sa Home for Cooperation.

Ang kampanyang Let’s do it! World ay isang pandaigdigang kampanya sa paglilinis ng kapaligiran, na dedikado sa pagtanggal ng basura mula sa mga likas na bahagi ng ating mundo. Natutuwa kaming suportahan itong mahalagang pandaigdigang proyekto at gusto naming pasalamatan ang bawat isang boluntaryo na sumama sa amin na protektahan ang ating kapaligiran.