XM Nag-host ng Taunang Engrandeng Gala sa Bangkok

Nakapaskel Marso 13, 2017 ng 9:41 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang kapital ng Thailand ay nakaranas ng importanteng event ngayong tagsibol, ang taunang engrandeng gala dinner, na siyang sinubaybayan ng mga online investor na kliyente ng XM.

Sa pangalawang taon na ngayon, Bangkok ang naging lugar ng napakahusay na XM gala event ngayong 2017. Ginanap sa Shangri-La Hotel Bangkok, isang gabing puno ng neon na tema, engrandeng handaan, at glamorosong mga premyo ng XM Lucky Draw ay nagpasabik sa mga pumunta.

Ang mga dumalo at miyembro ng XM na sumalubong sa gala ay ay nagkaroon ng ilang oras ng pakikipag-salamuha. Ang live na pagganap ng mga lokal na artista, na pumunta sa tanghalan, ay nagbigay pa lalo ng kasiyahan sa gabi. Higit pa, lahat ng mga dumalo ay nagkaroon din ng pagkakataong sumali sa XM Lucky Draw, kung saan isang bagong Mazda CX3 at mga premyong nagkakahalaga ng mahigit $35,000 ay ini-raffle, at ang 10 maswerteng nanalo ay inanunsyo mismo sa event.

Tulad ng dati, ikinatutuwa naming bumalik sa Thailand at makipag-ugnayan ulit sa aming mga kliyente, at nais naming pasalamatan ang bawat isa sa kanila para sa pagpunta sa XM gala event.