Idinaos ng XM ang Una Nitong Forex Trading Seminar sa Pakistan

Nakapaskel Hulyo 2, 2019 ng 8:28 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa kauna-unahang pagkakataon, at nang may espesyal na paggalang sa mga kasalukuyan at bago naming kliyente sa Pakistan na interesadong matuto sa pag-trade ng forex, nagdaos ang XM ng seminar sa lungsod ng Lahore noong Hunyo 22.

Ang seminar na isinagawa sa Pearl Continental Hotel Lahore ay may layuning tugunan ang pangangailangan ng parehong mga baguhan at mas beteranong nag-i-invest na interesadong matuto ng praktikal na kaalaman at sa gayon, kasanayan sa pagti-trade online.

Ang tagapagsalita ng seminar na si Sajid Khan Ghori, na siyang nagpaliwanag sa paksa na pinamagatang Pag-trade ng Forex gamit ang Reversal Candlesticks at Avramis River, ang tumalakay sa mga mahahalagang detalye na may kinalaman sa tamang pagbibigay-kahulugan ng Japanese candlestick patterns, kabilang na ang paggamit ng Avramis River technical indicator. Sa kanyang presentasyon, binigyang-diin ni Sajid Khan Ghori ang kahalagahan kung paano magagamit ang mga tinalakay na paksa at kung paano makakatulong itong technical analysis tools sa proseso ng pagdedesisyon at aktwal na resulta ng pag-trade.

Natutuwa kaming makilala sa personal ang mga bisita namin sa Pakistan at mabigyan sila ng propesyonal na edukasyon na maaring makatulong upang mapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-trade. Kaya naman, gusto din naming pasalamatan ang aming mga kliyente sa pagpunta sa seminar at sa kanilang interes at kahandaang matuto ng bagong kaalaman sa tulong ng gabay ng libreng edukasyon na ibinibigay ng XM.