Nagsagawa ang XM ng mga Forex Seminar sa Melbourne at Sydney

Nakapaskel Nobyembre 14, 2017 ng 1:01 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong nakaraang linggo abala ang XM sa pagbisita nito sa Australia. Sa ngayon, nakapagsagawa na kami ng dalawang matagumpay na seminar sa Melbourne at Sydney, kung saan ikinatutuwa naming makilala ang napakaraming bilang ng mga kliyente at salubungin ang mga bagong kliyente na interesadong palawigin ang kanilang kaalaman sa pag-trade sa forex sa tulong ng libre at propesyonal na edukasyon.

Ikinagagalak naming isagawa ang seminar na pinamagatang Mga Pangunahing Aspeto ng Avramis Swing Trading sa Melbourne noong ika-11 ng November at sa Sydney noong ika-12 ng November. Sa bawat lokasyon, ang Financial Certified Technician na si Avramis Despotis ay nagbigay sa mga dumalo ng detalyadong gabay sa kung paano mag-invest online nang may mahusay na resulta kung gagamitin nang tama ang mga teknik at kapag nagsasagawa ang mga trader ng sistematikong pagtugon sa kanilang pag-trade.

Ang syllabus ng seminar ay tumalakay sa lahat ng impormasyon na kailangan ng parehong baguhan at batikang trader dahil nagbigay ito sa mga dumalo ng pagpapaliwanag sa global markets at nagturo din ito kung paano gumamit ng mga trading tools na kailangan sa online trading. May oras din na inilaan para sa praktikal na paggamit ng technical analysis sa swing trading, kung saan importante na makita at samantalahin ang maikling price momentum.

Maliban sa mga teknik sa online investing, naging pamilyar din ang mga dumalo sa mga istratehiya sa risk management, pati na sa kung paano nakakaapekto ang trading psychology sa kakalabasan ng trades at kung bakit mahalagang kontrolin ang emosyon kapag nagti-trade online.

Sa bawat siyudad, ang pang-edukasyonal na event na isinagawa ng XM ay ikinatuwa ng mga baguhan sa forex at ng mga nais pang palalimin ang kanilang kaalaman sa susunod na lebel. Kaya nais namin samantalahin itong oportunidad para pasalamatan muli lahat ng mga dumalo sa aming seminar sa Melbourne at Sydney, dahil isang karangalan na makilala namin sila sa personal.

Nagpapatuloy ang amin pagbisita sa Australia, kung saan ang susunod naming destinasyon ay ang Perth sa ika-18 ng November, at nais naming salubungin lahat ng mga dadalo dito sa pang-edukasyonal na event para makilala ang XM sa personal. Libre ang seminar, at magbibigay ang XM ng libreng tanghalian at inumin sa mismong event.

Para sa karagdagang detalye at para makapag-rehistro na sa nalalapit na seminar sa Perth, mag-click dito.