Nagsagawa ang XM ng Panibagong Forex Trading Seminar sa Madrid

Nakapaskel Nobyembre 23, 2017 ng 8:55 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-15 ng November, dumating ang XM sa Madrid, ang huling destinasyon sa serye ng mga forex trading seminar sa iba’t-ibang siyudad sa Spain, kung saan ikinagagalak naming makilala lahat ng mga dumalo sa aming libreng seminar na ipinresenta ng Academia de Mercados.

Dahil dedikado ang XM sa pagtulong sa mga traders na palakasin ang kanilang loob sa tulong ng propesyonal na edukasyon na sumasakop sa iba’t-ibang paksa na kailangan ng mga online investors, ang aming libreng seminar sa Spain ay nagtagumpay sa pakay nito.

Ang paksa na ipinresenta sa Madrid na pinamagatang Technical Analysis sa Online Forex Trading ay nakatulong sa mga traders na maintindihan ang technical indicators na ginagamit sa patukoy ng direksyon ng presyo. Ang mga dumalo ay nakatanggap ng detalyadong pagpapaliwanag tungkol sa pagsunod sa trends gamit ang Moving Averages, kasabay ng mga impormasyon tungkol sa Average Directional Index (ADX) trend strength indicator, ang Moving Average Convergence Divergence (MACD) indicator, at ang Average True Range indicator (ATR), na siyang makakatulong sa pagtukoy ng mahusay na entry at exit points.

Higit pa dito, ang mga dumalo sa seminar ay nakatanggap din ng payo tungkol sa kahalagahan ng pagsasagawa ng istratehiya sa pag-trade depende sa itini-trade na financial instruments, pati na ng kaugnay na kaalaman tungkol sa papel na ginagampanan ng risk management sa online trading.

Ang seminar ay sinundan ng XM Lucky Draw, kung saan inanunsyo namin ang dalawang maswerteng nanalo at binabati namin silang muli sa kanilang pagkapanalo.

Mga Nanalo sa XM Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: VIP football ticket para sa 1 laban sa Liga Santander 21079551
Premyo 2: VIP football ticket para sa 1 laban sa Liga Santander 19000620

Kahit na nagtapos na ang serye ng seminar na isinasagawa ng XM sa Madrid ngayong taglagas, ipagpapatuloy namin ang aming mga pang-edukasyonal na programa sa Spain sa mga sumusunod na buwan.