Nagsagawa ang XM ng Seminar sa Athens Tungkol sa mga Istratehiya sa Pag-trade

Nakapaskel Disyembre 5, 2019 ng 8:45 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong buwan nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga indibidwal na nag-i-invest para makapunta sa forex seminar ng XM sa kapital ng Greece, kung saan tinalakay ng tagapagsalita na si Avramis Despotis ang seminar na pinamagatang Pagplano sa Pagpasok at Paglabas ng Market gamit ang Moving Average Ribbon.

Inorganisa sa InterContinental Athenaeum Hotel sa Athens noong Nobyembre 23, ang forex seminar at workshop ay dedikado sa masinsinang pagtuturo ng mga istratehiya sa pagsunod sa trend, na lubhang mapapakinabangan pagdating sa pagtukoy sa galaw ng presyo at lawak ng market.

Dahil ang moving averages ay isa sa mga pinakaginagamit na technical analysis tool ng mga nag-i-invest online, ipinakita ni Avramis Despotis kung paano maglagay ng iba’t-ibang moving averages sa mga chart para makapagsagawa ng tinatawag na Moving Average Ribbon, na tiyak na magagamit para matukoy ang mga trend, malaman ang lebel ng pagpasok at paglabas ng market, at mapababa ang risk gamit ang stop loss at take profit orders.

Maraming salamat sa lahat ng mga bisita na nakilahok! Natutuwa kaming makilala ang marami sa aming mga kasalukuyang kliyente na pumunta dito, makilala sa personal ang mga kliyente na bago pa lang sa XM, at matugunan ang kanilang pangangailang matuto sa forex sa pamamagitan nitong libreng seminar.