Magkakaroon ang XM ng Pinansyal na Panayam sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Hunyo 5, 2019 ng 7:53 am GMT. Magbasa Pa Balita

Isang karangalan ang ibalita sa inyo ang isang pulong na hindi dapat palagpasin sa Kuala Lumpur ngayong Hulyo 27: isang panayam na pamumunuan ng tatlong eksperto tungkol sa pandaigdigang pinansyal na market at mga oportunidad sa pag-i-invest.

Gaganapin sa Sheraton Imperial Hotel, magtatampok ito ng espesyal na bisita na si Peter McGuire, ang CEO ng XM Australia at internasyonal na personalidad sa media na may kinalaman sa pananalapi. Sasamahan siya nila Zulle Razak, propesyonal na nagtuturo ng forex at nagtatag ng Confluence Technique Academy at Mohd Helmi Izani, propesyonal na nagtuturo ng forex at nagtatag ng Ingenious Trading Mastery.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang panayam ay magtitipon sa tatlong kilalang personalidad. Ang kanilang pagkadalubhasa at mahabang karanasan sa mundo ng pananalapi ay makakatulong sa mga nagti-trade na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kasalukuyang estado ng mga pinansyal na market upang matukoy kung saan maaring mag-invest at mapanatili ang mahusay na resulta sa pag-i-invest. Ang talakayan ay isang magandang oportunidad para sa mga baguhan o beterano na sa pag-i-invest online, upang makatanggap ng impormasyon tungkol sa kabuuang saloobin ng market ngayon, pati na ang masinsinang pagsusuri sa macroeconomics, kabilang ang pagsusuri sa mga trend ng ekonomiya at posibleng epekto ng mga panukala sa pagti-trade.

Bukas at libre para sa mga kasalukuyan at bagong kliyente, hinihintay na nito ang mga gustong makapunta sa pinansyal na panayam katuwang ng mga kilalang propesyonal na magbabahagi ng kanilang pananaw sa mga mahahalagang paksang may kinalaman sa pag-trade.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye at makapag-reserba na ng puwesto ngayon, mag-click dito.