Matagumpay na Forex Seminar ng XM sa Manila

Nakapaskel Oktubre 24, 2017 ng 10:14 am GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos bisitahin ang Pilipinas para sa libreng forex trading seminar ngayong tag-init, pumunta ang XM sa iba pang parte ng bansa para sa panibagong serye ng mga seminar, kung saan ang panghuli sa mga ito ay isinagawa sa Manila noong ika-21 ng October.

Ngayong taon, nagsagawa ang XM ng maraming libreng seminars para sa Pilipinong traders na nais pabutihin ang kanilang kaalaman sa pag-trade. Ang seminar na isinagawa sa Manila noong ika-21 ng October ay isa na namang pang-edukasyonal na event na idinisenyo para pabutihin ang kaalaman ng parehong baguhan at batikang traders na interesado sa pagpapalalim ng kanilang pagkakaintindi sa mga teknik sa swing trading.

Ang mga kinatawan ng aming kumpanya, kasama ng seminar presenter na si Mario Pashardes, ang sumalubong sa mga dumalo sa Dusit Thani Manila Hotel, kung saan natuto ang mga dumalo sa ilan sa mga pinakaimportanteng aspeto ng swing trading, gaya ng market trending at price action; ang paggamit ng technical indicators; position sizing; pati na ng mga istratehiya sa pagpasok at paglabas sa market. Ang mga detalyeng ipinresenta ni Mario Pashardes ay hindi lamang puro teorya ngunit nagpakita din siya ng mga halimbawa, na siyang nakatulong para makapagbigay ng makatotohanang imahe sa kung paano tumatakbo ang technical analysis.

Maliban sa mga madalas gamiting indicators na sume-senyas sa paggalaw ng presyo, gaya ng Ichimoku Kinko Hyo, ang mga dumalo ay natuto din ng ilan sa mga automated trading tools ng Tradepedia, gaya ng Avramis River, na makakatulong sa mga investors na tumukoy ng mga malakas na trending financial instruments.

Pinasasalamatan namin lahat ng mga dumalo sa aming seminar sa Manila, at nais naming makabalik sa Pilipinas sa hinaharap para sa mga edukasyonal na programa tungkol sa pag-trade ng forex.

Hangga’t di pa kami nakakabalik sa Pilipinas para sa panibagong mga seminar, ipagpapatuloy namin ang mga libreng forex trading webinars na isinasagawa kada Tuesday at Thursday para sa mga nais pang matuto. Para tingnan ang iba’t-ibang mga paksa at mag-rehistro sa aming mga nalalapit na libreng webinars na isinasagawa ni Jonathan Lou Reyes, mag-click dito.