Iniimbitahan ang mga Nagti-trade na Pumunta sa mga Forex Seminar ng XM sa Morocco

Nakapaskel Agosto 7, 2019 ng 8:53 am GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming imbitahan ang mga kasalukuyan at bagong kliyente sa libreng seminar na gaganapin sa magkakaibang lungsod sa Morocco ngayong Setyembre, para personal silang magabayan tungkol sa ilan sa mga pinakamahahalagang aspeto sa pagti-trade ng forex.

Idadaos sa Casablanca sa Setyembre 21 at Agadir sa Setyembre 28, ang edukasyonal na seminar sa forex ay pamumunuan ng Senior Market Strategist ng Tradepedia at punong tagapagturo sa rehiyon ng Gitnang Silangan at Hilagang Africa na si Habib Akiki. Tatalakayin niya sa presentasyon ang paksang Pagtukoy sa Reversal ng Trend Gamit ang Candlesticks at Avramis River.

Sa bawat lungsod, ang syllabus ng seminar ay tutuon sa mahalagang tanong kung paano malalaman ang lakas at kalidad ng mga trend, at paano matutulungan ng ilang technical analysis tools ang mga nag-i-invest para masuri ang pangkalahatang direksyon ng presyo, makita ang mga pataas at pababa na trend sa market, at matukoy ang mga reversal sa trend. Maliban sa pagpapakita kung paano tumatakbo ang mga pinakamahusay na technical indicators, ipapakilala din ni Habib Akiki sa mga bisita ang paggamit ng sariling technical analysis tool ng Tradepedia, ang Avramis River indicator, na makakatulong para madaling tukuyin ang lebel ng support-resistance at mga signal sa trend na may mataas na kalidad.

Nasasabik na kaming makilala ka sa Casablanca o Agadir! Para mag-reserba na ng puwesto at makapunta sa seminar nang libre, mangyaring basahin ang karagdagang detalye dito.