Sumali ang XM sa isang Charity Run para Makalikom ng Pondo para sa mga may Kanser

Nakapaskel Nobyembre 10, 2021 ng 9:27 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa XM, malakas ang aming paniniwala na tumulong sa paglaban sa kanser. Kaya naman sumali kami sa kampanyang Tatakbo Kami Habang Buhay para makalikom ng pondo para sa Cyprus Association of Cancer Patients and Friends (PASYKAF).

Ang organisasyong PASYKAF ay may higit dalawang dekadang karanasan sa pagpapabuti ng buhay ng mga taong naapektuhan ng kanser. Nakatuon ito hindi lamang sa pagbabago ng kaisipan tungkol sa kung paano mamuhay nang may kanser, ngunit pati din makapagbigay ng propesyonal na kalusugan, serbisyo sa palliative care sa bahay, at mga programa para maiwasan ito.

Para suportahan ang kanilang misyon, tumakbo ang mga empleyado ng XM sa hiking trail sa Amiantos, Cyprus, noong Setyembre 26 para sa taunang kawanggawa na ito. Gusto naming pasalamatan ang lahat ng nakilahok sa araw na iyon!

Mahalaga sa amin sa XM ang pagtulong sa mga komunidad, at patuloy pa kaming mag-aambag sa mga ganitong karapat-dapat na inisyatiba sa buong mundo.

Para alamin pa ang tungkol sa PASYKAF at magbigay ng donasyon, pakibisita ang kanilang website dito.