Nakipagtulungan ang XM sa Aldeas Infantiles para sa Kapakanan ng mga Bata

Nakapaskel Enero 31, 2020 ng 8:23 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Disyembre 6, 2019, idinaos ng XM ang isa sa mga pinakamatagumpay na kawanggawa nito, na isinagawa naman sa kapital ng Peru, sa Lima, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa lokal na non-profit na organisasyon na Aldeas Infantiles SOS.

Nagsimula bilang inisyatibo para mapalapit sa lipunan ang kahalagahan ng kapakanan ng mga bata, edukasyon at karapatang-pantao mula sa maagang edad, ang mga miyembro ng aming pangkat sa Latin America ay nagpalipas ng araw sa Aldeas Infantiles SOS para makapagbigay ng donasyon at suportahan ang marangal na misyon nitong organisasyon.

Ang siyam na dedikadong kinatawan ng aming pangkat, na may layuning protektahan ang karapatan ng mga bata, ay nakipagtulungan sa Aldeas Infantiles SOS at nagbigay ng mga pagkain sa kabila ng XM para matugunan ang nakalulunos na sitwasyon ng mga bata.

Sa mismong kawanggawa, kung saan sinalubong ng mga kinatawan ng XM ang oportunidad na makasalamuha ang mga bata at kanilang mga tagapangalaga, pinag-usapan din ang pakikipag-ugnayan sa hinaharap para sa pinagsamang kawanggawa ng XM at Aldeas Infantiles SOS.

Dahil sa matibay na paniniwala na napakahalaga ng bawat donasyon at bawat isang sandaling ginugugol para sa kawanggawa, patuloy kaming magkakaroon ng dedikasyon sa aming mga makataong kawanggawa sa buong mundo na para sa kapakanan ng lahat ng mga karapat-dapat sa mas mabuting kalidad ng buhay at pantay-pantay na karapatan sa lipunan.