Tinulungan ng XM ang Yayasan Sahabat Veteran bilang Pagsuporta sa mga Beterano sa Indonesia

Nakapaskel Nobyembre 9, 2021 ng 11:36 am GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang paggunita sa ika-76 na Araw ng Kalayaan ng Indonesia noong Agosto, nakipagtulungan ang XM nitong Setyembre sa non-profit na organisasyon na Yayasan Sahabat Veteran.

Gusto naming pasalamatan ang 406 na lumahok na nagbigay ng donasyon at naging dahilan para magtagumpay itong inisyatiba.

Maliban sa ipinangako namin sa aming promosyon, nagbigay din kami ng donasyon sa Yayasan Sahabat Veteran. Sa bawat kliyenteng naging kawalipikado sa Lebel #1 nagbigay kami ng donasyon na $2, habang sa bawat kliyenteng nakaabot sa Lebel #2 nagbigay kami ng donasyon na $4, at sa bawat kliyenteng nakapasok sa Lebel #3 nagbigay kami ng donasyong $6!

Dedikado ang Yayasan Sahabat Veteran sa pagtulong sa mga beterano sa Indonesia, anuman ang kanilang etnisidad, relihiyon o kasarian. Bukod sa mga aktibidad na para sa kapakanan ng mga beterano, tumutulong din sila sa komunidad sa pamamagitan ng pagtuon sa nakababatang henerasyon.

Ang malawak na inisyatiba ng XM sa pagtulong sa lipunan ay pinagsasama-sama ng iisang layunin na makatulong para maging mas magandang lugar ang ating mundo. Sinusuportahan namin ang maraming organisasyon sa buong mundo na sumusubok na matulungan o mapabuti ang buhay ng mga kapus-palad at nangangailangan, at para makapagbigay ng patas na oportunidad sa mas marami pang tao hangga’t maaari.

Para alamin pa ang tungkol sa Yayasan Sahabat Veteran ng Indonesia at magbigay ng donasyon, pakibisita ang kanilang website dito.