Nagbigay ang XM ng Donasyon sa Darul Insyirah

Nakapaskel Agosto 30, 2019 ng 7:42 am GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang parte ng patuloy na inisyatibo sa corporate social responsibility at sa pagtatangkang makatulong nang positibo sa buhay ng mga indibidwal at komunidad sa buong mundo, nagbigay ng donasyon ang XM sa Darul Insyirah, na isang daycare facility sa Malaysia.

Para masuportahan ang Darul Insyirah na naka-base sa Bangi, pumunta ang dedikadong pangkat ng XM sa Selangor, Malaysia noong Agosto 9 para magbigay ng donasyon sa daycare center na may layuning matulungan ang mga nakatatandang mamamayan gamit ang edukasyon.

Dahil sa paniniwala gaya ng Darul Insyirah na ang paggalang sa mga nakatatanda ay nagsisimula sa makataong pagtulong para makipag-ugnayan sila sa kapwa, at mapagpatuloy ang kanilang interes at libangan sa kanilang edad, tumulong ang XM sa pagbibigay ng mahabaang programa sa pag-aaral sa naturang daycare facility.

Dahil ang mga nakatatanda ay may karapatan ding ipagpatuloy ang kanilang layunin sa edukasyon at personal na pag-unlad gaya ng mga nakababatang henerasyon, nagbigay ang XM ng donasyon sa Darul Insyirah kabilang ang mga LCD projectors, whiteboards, kagamitang pambahay, at iba pang kagamitan sa pag-aaral, para sa layuning mapagyaman ang kanilang kagustuhang matuto.

Naniniwala kami na bagama’t kabataan ang susi sa hinaharap, ang mga nakatatandang mamamayan ang ugat kung saan maaring itaguyod ang hinaharap ng ating mga kabataan. Ang mga nakatatanda ay mahalaga ding kayamanan sa ating lipunan, saan man sila nakatira, at karapat-dapat silang bigyan ng pantay na karapatan para sa maayos na pamumuhay. Ang mga kinatawan ng aming kumpanya na bumisita sa lokal na komunidad ng mga nakatatanda sa Darul Insyirah ay nagbahagi sa kanila ng disposisyon na maaring makapagbatid ng pagbabago sa buhay ng iba.