Nagbigay Ulit ng Donasyon ang XM para Suportahan ang Laban sa Covid-19

Nakapaskel Abril 27, 2020 ng 5:00 am GMT. Magbasa Pa Balita

Patuloy na nagsasagawa ang XM ng kawanggawa para suportahan ang matinding laban sa novel coronavirus pandemic.

Sinusunod ng XM ang pangako nito na patuloy na suportahan ang mga lokal na komunidad na humaharap sa krisis sa Timog-Silangang Asya. Matapos magbigay ng pondo sa Saigon Children’s Charity foundation sa Vietnam, sinundan ito ng iba pang mga donasyon, na ngayon naman para suportahan ang mga kawani sa kalusugan at mga ospital na nalalagay sa peligro upang makapagligtas ng mga buhay.

Noong Abril 6, sa pakikipagtulungan sa Hipwee sa Indonesia, nagbigay ng donasyon ang XM sa online na inisyatibo nito na PelukJauh, na dedikado sa pagbibigay ng mga PPE sa mga nagtatrabaho sa ospital sa buong Indonesia. Pagkatapos nito, noong Abril 9, sinundan ito ng isa pang donasyon sa emergency relief fund ng MyFund Action foundation sa Malaysia, na lumilikom din ng pondo para sa mga kinakailangang kagamitan ng mga frontliner para sa kanilang walang tigil na pakikipaglaban upang magamot ang mga pasyente at maprotektahan ang kanilang sarili.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon nanatiliing nagkakaisa ang buong mundo, ang bawat kabutihang-loob at kabaitan ay ‘di hamak na magdudulot ng napakalaking kahihinatnan.