Nagdaos ang XM ng Serye ng mga Seminar sa Malaysia

Nakapaskel Mayo 6, 2019 ng 12:54 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Magmula noong Pebrero, nakarating na ang libreng edukasyon ng XM sa magkakaibang lokasyon sa buong Malaysia. Isinagawa ang mga ito para matugunan ang pangangailangan ng mga nag-i-invest na naghahanap ng maaasahang mapagkukunan ng kaalaman upang mapabuti ang kanilang kasanayan sa pag-trade, sa tulong ng propesyonal na gabay tungkol sa mga pamamaraan sa pag-trade ng forex.

Sa mga pinakabagong lokasyon na pinuntahan namin sa Kuching at Miri, ikinatuwa namin ang pagsalubong sa napakaraming kliyente na pumunta sa seminar na pinamagatang Ang Istratehiya na Avramis Swing Trading, na pinamunuan ng tagapagturo na taga-Malaysia na si Mohd Helmi Izani. Ang mga baguhan at beterano sa pagti-trade ay nagkaroon ng oportunidad na matuto ng mapakikinabangang kaalaman tungkol sa mga pamamaraan sa swing trading na maaring makatulong sa matagumpay na resulta sa pag-i-invest online.

Sa kanyang presentasyon sa bawat lungsod, naglaan si Mohd Helmi Izani ng sapat na oras para talakayin kung paano samantalahin ang panandaliang galaw ng presyo kapag nag-i-invest sa forex o iba pang pinansyal na instrument. Ipinaliwanag din niya ang iba pang pamamaraan na ginagamit para makapaglagay ng tamang laki ng position.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa aming mga seminar. Gayundin, natutuwa kaming ibalita ang panibagong serye ng mga forex seminar na gaganapin sa buong Malaysia. Makikita na sa aming website ang mga unang lokasyon na bibisitahin namin.

Magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar at mag-rehistro na nang libre sa petsa na napili mo.