Pinarangalan ang XM bilang Pinakamahusay na Retail Forex Broker sa Global Forex Awards 2021 – B2B

Nakapaskel Hulyo 5, 2021 ng 8:43 am GMT. Magbasa Pa Balita

Pinarangalan ang XM bilang Pinakamahusay na Retail Forex Broker sa Global Forex Awards 2021 – B2B na idinaos sa London nitong Hunyo. Ito na ang ikalimang pagkilala na natanggap namin galing sa Global Forex event simula 2019, kabilang ang parangal bilang Pandaigdigang Forex Broker ng Taon (2019 at 2020), Pinaka-pinagkakatiwalaang Forex Broker sa Asya (2019), pati na ang Pinakamahusay na Forex Affiliate Broker Programme (2020).

Malayang isinagawa ang nominasyon na pinagbotohan ng mga negosyo at kliyenteng nagti-trade ng forex mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, kung saan 9,000 boto ang nalikom noong Abril 2021.

Nabanggit ng mga tagapag-organisa na “Ang mga nanalo ngayong taon ay pinili ng mga tunay na nag-i-invest, nagti-trade at kostumer ng mga negosyo sa buong mundo. Napatunayan nila na totoong nagbunga ang matindi nilang pagsisikap sa industriya.”

Pinasasalamatan ng XM ang Global Forex Awards at lahat ng bumoto para sa amin. Patuloy ang aming determinasyon at pagsisikap na mabigyan ang bawat isang kliyente ng kalidad ng serbisyo sa kanilang pagti-trade.