Kinilala ng FOLLOWME ang XM bilang isa sa 10 Pinakasikat na Broker

Nakapaskel Agosto 26, 2021 ng 1:02 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Kinilala ng community trading platform na FOLLOWME ang XM bilang isa sa 10 Pinakasikat na Broker nitong unang bahagi ng 2021, matapos itong pagbotohan ng lumalaki nilang komunidad ng mga nagti-trade at nag-iinvest.

May higit 800,000 rehistradong users, ibinabahagi sa FOLLOWME platform ang sariling pananaw ng mga trader tungkol sa kanilang kaalaman at karanasan sa pagti-trade.

Itinatag noong 2015, lumago ang FOLLOWME platform nitong nakaraang limang taon sa tulong ng mga bagong tampok at tools na nakatutulong sa mga nagti-trade para matuto mula sa tagumpay ng iba.

Pinasasalamatan ng XM ang mga gumagamit ng FOLLOWME na bumoto para sa amin. Patuloy ang aming determinasyon at pagsisikap na mabigyan ang bawat isang kliyente ng kalidad na serbisyo sa kanilang pagti-trade.