Lumahok ang XM sa mga Pinansyal na Forum sa Portugal at Espanya

Nakapaskel Disyembre 10, 2019 ng 1:08 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng Nobyembre 5 at 30 ngayong taon, lumahok ang XM sa apat na magkakasunod na pagtitipon na may kinalaman sa pananalapi, kung saan ang bawat isa sa mga ito ay nagbigay sa amin ng oportunidad para makasalamuha ang aming mga kasalukuyang kliyente at ipakilala sa mga potensyal na kliyente ang mga serbisyo ng XM.

Ang mga pinansyal na forum na pinuntahan namin ay ang mga sumusunod: Rankia Markets Experience Lisboa sa kapital ng Portugal noong Nobyembre 5, na sinundan ng tatlo pa sa Espanya, ayan ay ang Rankia Markets Experience Madrid sa kapital ng Espanya noong Nobyembre 9, Congreso Financiero Foro Trading sa València noong Nobyembre 28, at BullMarket 2019 muli sa Madrid noong Nobyembre 30.

Sa bawat isa sa apat na pagtitipon, ang pangunahing layunin namin ay ang makapagbigay ng positibong karanasan sa mga kliyente na nakilala namin sa personal, at mabigyan sila ng pagkakataong makapunta sa mga maliliit na seminar na pinamunuan ng mga dedikadong tagapagsalita ng XM.

Sa pagtatangkang ipalapit ang mundo ng forex sa mga bisita, sa bawat lokasyon ng pinansyal na forum, nagbahagi ng mapapakinabangang kaalaman ang aming mga tagapagsalita tungkol sa mga istratehiya sa pag-trade, pati na ng mga pamamaraan sa technical analysis at pagpapababa ng risk na siguradong napakahusay kapag nagamit nang tama.

Sa pagtitipon na isinagawa sa Lisbon, ang tagapagsalita ng XM ay walang iba kundi si Duarte Marques Palma Guerreiro, na nagpaliwanag sa mga bisita ng kahalagahan ng pamamahala ng pera, habang sa tatlong pagtitipon sa Espanya, ibinahagi naman ni Alberto Chan Aneiros sa mga bisita ang kanyang sariling karanasan sa pag-trade at mga payo sa pag-i-invest.

Gusto naming pasalamatan ang lahat ng mga nakilala namin sa bawat pagtitipon at sa interes na kanilang ipinakita sa mga serbisyo ng XM.