Dumalo ang XM sa ITForum Rimini 2019 sa Italya

Nakapaskel Hunyo 18, 2019 ng 11:53 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Hunyo 12-13, dumalo ang XM sa isa sa pinakamalaki at pinaka-importanteng pinansyal na expo sa Europa na may kinalaman sa pag-trade, ang ITForum Rimini na naka-base sa Italya.

Tulad ng mga nakaraang taon, itong inaabangang expo ay nakapaghikayat sa mga kumpanya sa pinansyal na serbisyo na pumunta bilang exhibitor, daan-daang eksperto sa pinansyal na market na pumunta bilang tagapagsalita sa mga seminar, pagpupulong at workshop, pati na ang napakaraming nag-i-invest online na pumunta bilang bisita.

Bilang isa sa mga beteranong broker na dumadalo sa ITForum Rimini simula 2013, pumunta ang XM dito dahil sa inaasahang pagsalubong sa mga bisita sa opisyal na booth ng XM at upang makipag-ugnayan sa kasalukuyang mga kliyente at partner.

Sa loob ng dalawang araw na expo, bukod sa paglalaan ng oras sa mga bisita na gustong makilala ang XM at ang mga serbisyo na ibinibigay ng aming kumpanya sa mga kliyenteng taga-Europa, tinugunan din namin ang pangangailangan ng mga nais makapunta sa seminar na may kinalaman sa forex. Noong Hunyo 12 at 13, ang mga eksperto sa pananalapi na sina Lorenzo Sentino at Carlo Vallotto ay nagsagawa ng maraming maliliit na seminar para sa mga bumisita sa booth ng XM. Kabilang sa kanilang presentasyon ang pagtalakay ng napakaraming kapana-panabik na paksa.

Kaya naman, gusto naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at potensyal na kliyente na pumunta sa ITForum Rimini. Sa mga litrato sa ibaba makikita ang mga naganap sa dalawang araw na pagdalo namin sa expo.