Pinarangalan ang XM bilang Pinakamahusay na FX Service Provider 2020 ng COLWMA Awards

Nakapaskel Marso 19, 2020 ng 9:55 am GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malaking karangalan ang ibalita na bilang pagkilala sa aming walang humpay na dedikasyon sa kalidad, pinarangalan ang XM bilang Pinakamahusay na FX Service Provider 2020 ng City of London Wealth Management Awards.

Ang seremonya ay idinaos sa The Guildhall sa Lungsod ng London noong Marso 4, kung saan opisyal na inanunsyo na nanalo na naman ang XM ng prestihiyosong parangal – na ngayon sa ikatlong pagkakataon mula 2017.

Dahil ang mga kumpanyang nanalo ng parangal ay eksklusibong pinili sa pamamagitan ng pampublikong botohan na ginanap sa pagitan ng Disyembre 6, 2019 hanggang Enero 31, 2020, ang parangal na iginawad sa XM ay patotoo sa nakakaengganyong pagtrato sa mga kliyente at dedikasyon upang makamit ang pinakamataas na pamantayan. Lubos kaming naniniwala na ang integridad, pagbabago at pakikipag-ugnayan sa mga kliyente ang mahahalagang pag-uugali na dahilan kung bakit nangunguna kami sa industriya. Ito din ang naghihikayat sa amin sa lahat ng oras upang ibigay ang lahat ng aming makakaya para sa pinakamahalagang asset namin: ang aming mga kliyente.

Sinusuportahan ng London Stock Exchange, ang City of London Wealth Management Awards (COLWMA) ay may layuning kilalanin at itaguyod ang mga kumpanya at indibidwal na nangunguna sa pagbibigay ng pinakamataas na kalidad ng serbisyo sa sektor ng pinansyal na serbisyo.