Ginawaran ang XM ng mga Pinakamatataas na Parangal sa Global Forex Awards 2019

Nakapaskel Oktubre 25, 2019 ng 6:54 am GMT. Magbasa Pa Balita

Isang malaking karangalan na ibalita na noong Oktubre 3, kinilala ng Global Forex Awards 2019 ang XM sa pamamagitan ng dalawang mataas na parangal dahil sa husay na ipinakita nito sa pinansyal na industriya: ang Pandaigdigang Forex Broker ng Taon sa kategorya ng mga pandaigdigang parangal at Pinaka-pinagkakatiwalaang Forex Broker sa Asya sa kategorya ng mga rehiyonal na parangal.

Ang parehong parangal ay iginawad sa mga kinatawan ng aming kumpanya sa opisyal na seremonya na idinaos sa St. Raphael Marina sa Limassol, Cyprus. Sa kanyang talumpati, isinaad ng Direktor ng Holiston Media na si Mike Boydell ang sumusunod: ”Ang parangal na Pandaigdigang Forex Broker ng Taon ay ibinibigay sa forex brokerage na nakakuha ng pinakamataas na boto sa lahat ng mga kategorya. Ang pagkakapanalo ng XM ay isang patotoo sa kanilang katatagan sa industriya, dahil sa mga progresibo, bago at malinaw na kagamitan sa pag-trade na para sa lahat. Binabati namin ang lahat ng taga XM dahil sa karapat-dapat na parangal na ito.”.

Bagama’t kasiyahan ng aming mga kliyente ang pinakamagandang sukatan ng tagumpay, ang muling pagkilala sa XM gamit ang dalawang parangal sa dalawang magkaibang kategorya ay isang patotoo sa aming patuloy na pagsisikap para mapanatili ang aming posisyon bilang nangunguna sa industriya ng forex at maibigay ang lahat ng aming makakaya. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pinapahalagahan ng aming kumpanya, etika at paniniwala na ang bawat isa sa aming mga kliyente ay karapat-dapat makatanggap ng pinakamahusay na serbisyo, patuloy ang aming dedikasyon na ipagpatuloy pa ito.

Kinikilala ng Global Forex Awards ang mga pinakamahusay na forex broker sa parehong pandaigdigan at rehiyonal na basehan, at ginagawaran nila ang mga ito dahil sa kanilang hindi mapapantayang serbisyo, makabagong teknolohiya, advanced na market research tools, komprehensibong edukasyonal na programa, at serbisyo sa kliyente.