Bumalik ang XM sa Warsaw para sa Libreng Forex Trading Seminar

Nakapaskel Hunyo 12, 2017 ng 11:28 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa nakaraang limang taon, bumisita ang XM sa Warsaw nang ilang beses kasama ng mga libreng forex trading seminars para turuan ang mga kliyenteng nagsasalita ng Polish tungkol sa mga teknik sa online investing, at ang pinakabago sa mga ito ay isinagawa noong ika-10 ng June.

Isinagawa sa Sheraton Warsaw Hotel, ang seminar ay magkasamang presentasyon ng mga forex instruktor na sina Krzysztof Wiwatowski at Arkadiusz Jóźwiak, na nagpakita sa mga dumalo ng iba’t-ibang mga istratehiya sa forex.

Habang ang pang-umagang sesyon ay dedikado sa High-Low Forex Trading Strategy na ipinresenta ni Krzysztof Wiwatowski, sa panghapong sesyon ng seminar natuto ang mga dumalo tungkol sa Darvas Box Trading Strategy, na tinalakay ni Arkadiusz Jóźwiak.

Dahil sa detalyadong pagpapaliwanag ng bawat instruktor, ang seminar ay nakapagbigay ng higit pa sa pagpapakilala sa mga teknik sa pag-trade. Ang mga dumalo ay nagkaroon ng oportunidad para makita kung paano magagamit ang mga teknik na ito, at naging pamilyar din sila sa kung paano gagamitin ang mga teknik na ito sa kanilang indibidwal na pag-trade.

Ang event ay nagtapos sa XM Lucky Draw, na nagbigay ng malalaking premyo sa tatlong maswerteng nanalo na ini-raffle sa event: isang ticket papuntang Thailand para sa final round ng XM Isang Milyong Forex World Championship forex kontest, kung saan sagot ng XM ang 2 araw na accommodation at flight expenses; at dalawang tickets para sa FIFA World Cup 2018 Poland vs Romania football match.

Mga Nanalo sa XM Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Unang Premyo: 1 ticket papuntang Thailand 2559591
ika-2 Premyo: 1 ticket para sa FIFA World Cup 2018 13042428
ika-3 Premyo: 1 ticket para sa FIFA World Cup 2018 13000343

Nais naming pasalamatan lahat ng nakidalo sa amin sa Warsaw seminar at binabati namin ang mga nanalo sa XM Lucky Draw para sa kanilang mga premyo.