Bumisita Ulit ang XM sa Medellin at Cali para sa Libreng Pagtuturo ng Forex

Nakapaskel Marso 11, 2020 ng 1:22 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Kamakailan lang, bumisita ulit kami sa dalawa pang lungsod sa Colombia para magbigay ng oportunidad sa mas marami pang nag-i-invest online na gustong makaranas ng libreng edukasyon tungkol sa forex.

Ang dalawang lokasyon na pinuntahan namin ay ang Medellin noong Pebrero 29, na sinundan sa Cali noong Marso 7. Sinalubong ng dedikadong pangkat ng aming kumpanya, kasama ng instruktor sa forex na si Felipe Erazo, ang napakaraming bisita na interesadong malaman ang mahahalagang detalye tungkol sa bentahe at tamang paggamit ng technical analysis kapag nagti-trade online.

Habang ang mga pumunta sa seminar sa Medellin ay natuto ng importanteng impormasyon tungkol sa pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo indicator, ang mga dumalo naman sa seminar sa Cali ay nagkaroon ng oportunidad na malaman ang mga mapapakinabangang detalye tungkol sa mahusay na paggamit ng Moving Average Ribbon indicator. Ang parehong seminar ay may iisang layunin: ang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa paggamit ng mga pamamaraan sa pag-i-invest upang magkaroon ng mas mahusay na resulta, habang pinapababa nang husto ang mga kaakibat na risk.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa aming seminar sa Colombia, at iniimbitahan din namin lahat ng mga gusto pang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa forex na samahan kami sa mga nalalapit pang seminar sa Latin America.

Para tingnan ang iskedyul ng seminar at mag-reserba na ng libreng puwesto -> mag-click dito.