Bibisita Ulit ang XM sa Peru: Forex Seminar Tungkol sa Technical Indicators

Nakapaskel Pebrero 11, 2020 ng 9:21 am GMT. Magbasa Pa Balita

Maaring ngayong Marso 28 na ang tamang oras para sa mga nag-i-invest online sa Peru upang pabutihin ang kanilang kaalaman sa pagti-trade, dahil babalik ang XM sa Lima kasabay ng eksklusibong seminar.

Gaganapin sa Delfines Hotel & Convention Center, ang seminar ay naghihintay sa mga baguhan at beteranong nagti-trade para sa interaktibong talakayan na magtatampok ng pinagsamang presentasyon ng mga eksperto sa market na sina Jarek Duque at Felipe Erazo, na may layuning makapagturo sa mga bisita ng mga madaling gamitin at mahusay na pamamaraan sa forex.

Ang paksa ng seminar ay maaring mapakinabangan ng mga gustong matuto kung paano magamit ang mga mapagkakakitaang pamamaraan sa pag-i-invest, dahil tutuon ito sa mga paraan upang pagsamahin ang magkakaibang technical indicators para masuri ang takbo ng market, pagbabagu-bago ng presyo, at lakas ng trend.

Gamit ang mga praktikal na halimbawa, ipapakita ng mga instruktor sa forex kung paano tumatakbo ang mga detalyeng ipapaliwanag, para maalalayan ang mga bisita sa mga mahahalagang aspeto ng pagti-trade online at ang mga gabay kung paano makapagsagawa ng indibidwal na istratehiya na mahusay na gagana kapag patuloy na ginagamit.

Para dagdagan ang syllabus ng seminar, ang mga bisita ay matututo din ng inaabangang technical analysis tool ng Tradepedia, ang Avramis Analyser indicator, na magbibigay sa mga nagti-trade ng awtomatikong pagsusuri ng iba’t-ibang indicators sa loob lang ng ilang segundo.

Para magreserba na ng libreng puwesto at pumunta sa aming seminar sa Lima, mag-click dito.