Nasungkit na naman ng XM ang dalawang parangal mula sa World Finance 2021

Nakapaskel Setyembre 3, 2021 ng 9:55 am GMT. Magbasa Pa Balita

Kinilala na naman ng World Finance ang XM sa mga parangal na kanilang iginawad ngayong 2021. Pinarangalan kami bilang Pinakamahusay na FX Broker sa Europa sa pambihirang ikalimang sunod na taon! Napanalunan din ng XM ang parangal na Pinakamahusay na FX Broker sa Australasia sa tatlong magkakasunod na taon.

Ang World Finance ay ang nangungunang awtoridad sa industriya ng pananalapi na pinakikinggan ng pinakamalalaking pangalan sa industriya. Ito na ang ikalimang pangunahing parangal sa industriya na natanggap ng XM ngayong taon, at mayroon pang mga iaanunsyo sa darating na panahon.

Binibigyang-diin nitong mga prestihiyosong parangal ang pagpupursigi ng pinakamahuhusay na broker sa buong mundo at tinutulungan nito ang mga kliyente na makapili kung kaninong broker sila magti-trade.

Pinasasalamatan ng XM ang World Finance Awards 2021 dahil sa pagkilala nila sa patuloy naming pagsisikap. Walang patid ang aming determinasyon na mabigyan ang bawat isang kliyente sa buong mundo ng kalidad na serbisyo sa kanilang pagti-trade.