Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Famagusta General Hospital para Labanan ang Covid-19

Nakapaskel Marso 31, 2020 ng 11:21 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Marso 30, nagbigay ng donasyon ang XM sa Famagusta General Hospital sa Cyprus para sa layuning makatulong na labanan ang Covid-19.

Ang hindi inaasahang mabilis na pagkalat ng coronavirus ay naging sanhi para malapit nang bumagsak ang napakaraming mga ospital at klinika sa buong mundo, at hindi naiiba dito ang Cyprus. Ang Famagusta General Hospital, na nagsisilbi bilang institusyong pangkalusugan para sa mga pasyenteng nahawa ng novel coronavirus, ay nahaharap din sa napakatinding sitwasyon dahil sa tumataas na bilang ng mga kliyenteng dumadanas nitong nakamamatay na sakit.

Ang donasyon na ibinigay ng XM sa Famagusta General Hospital ay isang pagsisikap para matugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan ng mga lokal na kawani sa kalusugan para makaya itong pagsubok at malampasan ang krisis gamit ang mga kinakailangang kagamitan sa kanilang mga ICU.

Sa panahon kung saan matapang na humaharap ang mga doktor at kawani sa kalusugan na araw-araw nalalantad sa Covid-19 habang ginagawa lahat ng kanilang makakaya upang magsagip ng buhay, naniniwala kami na may pag-asang labanan ang sakit na ito kung tayo’y magkakaisa upang suportahan lahat ng mga tumutulong sa atin para manatiling malusog.