XM Seminar sa Chonburi isang Malaking Tagumpay

Nakapaskel Abril 28, 2017 ng 7:16 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming bumalik na naman sa Thailand, ngayon naman sa siyudad ng Chonburi noong ika-22 ng April, para sa forex trading seminar tungkol sa paksa ng swing trading.

Sinalubong ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga dumalo sa Hilton Pattaya Hotel, kung saan nakakuha sila ng interesanteng presentasyon mula sa propesyonal na forex instruktor na si Sompop Jittrakul tungkol sa iba’t-ibang mga teknik na ginagamit sa swing trading.

Ang paksa ng interaktibong seminar ay kumuha sa atensyon ng maraming Thai traders, dahil nakatuon ito sa praktikal na aspeto ng mga ipinresentang mga teknik, kabilang na ang paggamit ng technical analysis. Ang mga dumalo ay ipinakilala sa mga pangunahing aspeto na nagpapagalaw sa markets, at ang mga istratehiya na ginagamit para tukuyin ang price action at trend strength, at sinundan ng mga teknik para gumawa ng entry at exit signals.

Dahil ito ang unang pagkakataong pumunta ang XM sa Chonburi, ikinatutuwa naming sumalubong sa napakaraming mga dumalo. Sa pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar natuto ang mga dumalo ng pinaka-importanteng aspeto sa forex trading, at nagkaroon ng napakahalagang kaalaman tungkol sa mga karaniwang teknik na ginagamit sa pag-trade.

Nais naming pasalamatan lahat ng dumalo sa seminar at nais naming makilala ang mga kliyente sa nalalapit na libreng forex trading seminars sa Hat Yai at Korat. Para tingnan ang detalye ng mga nalalapit na seminars, mag-click dito.