Mga XM Seminar Tungkol sa Istratehiya sa Forex Isinagawa sa Malaysia

Nakapaskel Marso 27, 2020 ng 10:28 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinatutuwa naming magkaroon na naman ng pagkakataong salubungin ang napakaraming kliyente ng XM sa pinakabagong libreng forex seminar sa lungsod ng Kedah noong Pebrero 29 at Kuching noong Marso 14.

Dahil ang tunay na layunin ng pagtuturo ng XM ay para madaling makakuha ng impormasyon sa forex ang mga nag-i-invest online sa buong mundo, tulad ng mga libre naming edukasyonal na seminar na tumatakbo sa buong taon sa magkakaibang bansa, nagsagawa kami kamakailan ng mga forex seminar para sa mga nagti-trade sa Malaysia na interesado sa mga pamamaraan sa technical analysis.

Ang paksa ng seminar na Pag-trade gamit ang Avramis River Indicator ay ipinresenta ni Mohd Helmi Izani sa Kedah, habang ang mga bumisita naman sa Kuching ay natuto ng mahahalagang kaalaman mula sa instruktor sa forex na si Zulkifli Razak.

Sa bawat lokasyon ng seminar, ang mga bisita namin ay natuto tungkol sa mahusay na paggamit ng technical indicators sa pagsunod sa trend at mga istratehiya para matulungan silang makapagsagawa ng mas mapagkakakitaang desisyon kapag nag-i-invest. Espesyal na itinampok sa syllabus na ipinresenta ang isa sa mga pinakainaabangang indicators na sariling trading tool ng Tradepedia, ang Avramis River, na talagang idinisenyo para magamit sa MT4 at MT5 trading platforms.