Matagumpay na Nakumpleto sa Mexico ang mga Seminar ng XM

Nakapaskel Pebrero 22, 2019 ng 9:20 am GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming magkaroon ng oportunidad na makapagbigay na naman ng propesyonal na forex trading seminar para sa mga nag-i-invest online sa Mexico, na ginanap sa dalawang magkaibang lokasyon sa Mexico City noong Enero 19 at Guadalajara noong Pebrero 16.

Mula noong nakaraang taon, nakapag-organisa na kami ng iba’t-ibang libreng pang-edukasyonal na seminar sa buong Latin America para makapagpamahagi ng praktikal na kaalaman sa mga nag-i-invest online – isang pagpupursige na gusto naming ipagpatuloy pa sa hinaharap.

Sa parehong Mexico City at Guadalajara, nakakabagbag-damdaming karanasan para sa mga kinatawan ng aming kumpanya at tagapagsalita ng Tradepedia na si Karl Praz, ang Punong Tagapagturo sa Mexico, na personal na salubungin ang mga bisita na pumunta sa seminar.

Sa presentasyon na pinamagatang Paano Mag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo, ipinaliwanag ni Karl Praz sa mga pumunta kung paano mag-trade gamit itong makapangyarihang technical analysis indicator, na ginagamit para mahulaan kung saang direksyon papunta ang presyo, at para matukoy ang galaw ng market kasabay ng mga lebel ng support at resistance.

Dahil sa mga halimbawa na madaling intindihin, ang mga dumalo sa seminar ay nagkaroon din ng oportunidad na makita kung paano tumatakbo ang Ichimoku at matutunan kung paano ito isabay sa kanilang indibidwal na istratehiya sa pag-trade.

Pagkatapos ng bawat seminar, nagsagawa kami ng Lucky Draw para sa lahat ng mga bisita, at gusto naming ulit batiin ang mga nanalo dito.

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Mexico City

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: HP laptop 16149725
Premyo 2: $200 trading bonus na hindi mawi-withdraw 34036839
Premyo 3: $150 trading bonus na hindi mawi-withdraw 42062943
Premyo 4: $100 trading bonus na hindi mawi-withdraw 12122219
Premyo 5: $50 trading bonus na hindi mawi-withdraw 12154398

Mga Nanalo sa Lucky Draw – Guadalajara

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: HP laptop 33200330
Premyo 2: 900 XMP (XM Points) 4615405
Premyo 3: 600 XMP (XM Points) 38115997
Premyo 4: 300 XMP (XM Points) 13688976

Dahil magpapatuloy pa ang aming mga libreng pang-edukasyonal na seminar sa ibang mga bansa sa Latin America gaya ng Colombia, Peru at Costa Rica, nais naming imbitahan sa libreng edukasyon ng XM lahat ng mga nag-i-invest online na dedikado sa pagpapabuti ng kanilang kaalaman.

Para tingnan ang mga nalalapit na lokasyon at paksa ng seminar, at para makapag-reserba na ng puwesto, mangyaring mag-click dito.