Hindi nagbibigay ng serbisyo ang XM sa mga residente ng Estados Unidos.
Nitong Oktubre 5 hanggang 7, lumahok ang XM bilang Bronze Sponsor sa Blockchain Land Conference sa Nuevo Leon, Mexico. Isa itong pambihirang pagkakataon para makilala at makipag-ugnayan sa mga kliyente, dumalo sa mga workshop, at makinig sa presentasyon ng mga eksperto. Maliban dito, may nakuha din na Guinness World Record sa mismong event.
Ang Blockchain Land ay isa sa mga pinakamalaking kaganapan sa industriya ng blockchain, kung saan 12,000+ ang pumunta at mahigit 650,000 ang nanood online. Nagtipon-tipon ang mga kumpanya ng blockchain, pati mga start-up, negosyante, trader, estudyante, at mga taong interesado sa blockchain sa Latin America. Dito, natutunan at napag-usapan nila ang mga pamamaraan kung paano uusad sa hinaharap ang industriya.
Hinati sa apat na lugar ang venue na dedikado sa Pananalapi, NFT, Pagnenegosyo, at Paggawa ng Software. May malaking papel ang XM sa exhibition ng Pananalapi, kung saan Crypto CFDs ang naging tema ng booth. Nagkaroon kami ng 3 matagumpay na araw na punong-puno ng pakikipag-usap sa mga kliyente, partner, at mga kasama sa industriya.
Nagbahagi ng malawak na kaalaman ang mga nangungunang propesyonal, at nagsilbi ito bilang lugar kung saan ibinalita ang mga pinakabagong trend at umuusbong na oportunidad sa industriya. Pinamunuan ng aming instruktor na si Christian Borjón ang dinagsang presentasyon na pinamagatang Paano Mag-trade ng Crypto sa Macroeconomic na Kapaligiran. Pero hindi maikakaila na ang highlight ng event ay ang Pinakamalaking Klase sa Crypto na nanalo sa Guinness World Records dahil sa dumalo na 289 na katao.
Pinasasalamatan namin ang Blockchain Land dahil sa napakasayang karanasan, pati na ang lahat ng bumisita sa booth ng XM at mga pumunta sa aming presentasyon. Inaasahan naming makita ulit kayo sa mga event na sinusuportahan at dinadaluhan namin.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.
Sa pamamagitan ng pag-click sa "Magpatuloy", sumasang-ayon kang iproseso ng Trading Point of Financial Instruments Ltd ang personal na impormasyon na ibibigay mo sa pamamagitan ng live chat, alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Kumpanya, para makatanggap ng tulong mula sa aming Customer Experience Department.
Kung hindi ka sumasang-ayon dito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Members Area o sa filipino.support@xm.com.
Lahat ng mga paparating at papalabas na pag-uusap sa telepono, pati na ang ibang uri ng komunikasyon (kabilang na ang chat o mga email) sa pagitan natin ay ire-record at itatago para sa kalidad na pag-monitor, pagsasanay at kinakailangang pang-regulasyon.