Mga XM Seminar Tungkol sa Madiskarteng Pag-trade Idinaos sa Pilipinas

Nakapaskel Oktubre 25, 2019 ng 12:17 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Para sa lahat ng mga mahilig mag-trade ng forex at determinadong matuto ng bagong kaalaman tungkol sa mga istratehiya sa pag-trade, nagsagawa pa ng mga seminar ang XM sa Pilipinas sa pagitan ng Setyembre 14 hanggang Oktubre 12.

Ang tatlong lungsod na binisita namin ay ang Davao, Bacolod at General Santos City, kung saan pinamunuan ng propesyonal na instruktor at batikan sa pag-i-invest na si Jonathan Lou Reyes ang mapapakinabangang presentasyon tungkol sa pag-trade gamit ang Moving Average Ribbon indicator.

Sa bawat lokasyon, nagbigay ang seminar ng pagkakataon na matutunan nang husto ng mga bisita ang technical analysis, partikular na ang paggamit ng moving averages, pagdating sa pagtukoy ng mga oportunidad kapag nagti-trade ng iba’t-ibang instrument.

Maliban sa paggamit ng moving averages, ang mga bisita namin ay nagkaroon ng pagkakataong matuto nang masinsinan tungkol sa Moving Average Ribbon, na napakahalaga sa parehong intraday at mahabaang pag-trade. Gamit ang mga halimbawa na madaling maintindihan, ipinakita ni Jonathan Lou Reyes ang iba’t-ibang eksena kapag nagti-trade, sa pamamagitan ng pagtuon sa kahalagahan ng mga paraan sa pagpapababa ng risk.

Higit sa lahat, ang seminar ay nakapagbigay sa amin ng pagkakataong personal na makasalamuhang muli ang aming mga kliyente, para makapagbigay sa kanila ng di malilimutang karanasan sa Davao, Bacolod at General Santos City.

Pinasasalamatan namin lahat ng mga kliyenteng pumunta sa alinmang seminar ng XM. Hanggang sa muli naming pagbalik sa Pilipinas kasama ng marami pang mga forex seminar, iniimbitahan muna namin kayo na sumali sa mga live na forex webinar ng XM, kung saan maari kang mag-rehistro sa pamamagitan ng pag-click dito.