Sinusuportahan ng XM ang Go with the Flow

Nakapaskel Marso 29, 2021 ng 11:48 am GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ibalita ang matagumpay na pagpapatuloy ng aming taunang suporta at pakikipagtulungan sa Go with the Flow, isang grupong pangkawanggawa na tumutugon sa kalinisan at problema ng mga kapus-palad na kababaihan sa Uganda.

Hindi pumapasok sa paaralan ang mga batang babae sa Monde orphanage sa Uganda kapag wala silang mga produktong pangkalinisan tuwing mayroon silang buwanang dalaw. Sa halip, gumagamit sila ng mga basahan o dahon na napakadumi, hindi komportable, at nakakahiya, kaya naman imposible para sa kanila na pumasok sa paaralan at makibahagi sa iba pang mahahalagang aktibidad sa kanilang araw-araw na buhay.

Nitong unang bahagi ng Pebrero 2021, ipinadala ang mga taunang pakete na naglalaman ng mga sanitary napkin na pwedeng hugasan at pwedeng gamitin ulit, at iba pang produktong pangkalinisan, para matulungan ang higit 500 kababaihan na ipagpatuloy ang mabuting kasanayan sa pangreglang kalinisan.

Patuloy ang aming dedikasyon sa pagsuporta sa Go with the Flow at kanilang proyekto sa Pagtataguyod sa mga Kababaihan ng Uganda. Magsasagawa din kami ng mas marami pang inisyatiba sa pagtulong sa lipunan para matulungan ang mga kapus-palad na tao sa buong mundo na magkaroon ng mas magandang buhay.